Echos


Elated. Yan ang naramdaman ko nang i-offer sa akin ang isang column. For writers, it would be a big opportunity to move the world with what we write about, and a column, is a column, an offer is an offer, a break is a break, and yet, it took me a month to finally start writing. Pero bakit nga ba? Siguro, ganun talaga tayo minsan, opportunities come, and yet, it takes us forever to give it a try, there is an opportunity to improve, but we are stuck with the old system, old values— reasons why we can’t move forward.
***
Maraming nagsasabing ang pagpapatupad ng K-12 ay biglaang desisyon na walang tuwirang konsultasyon lalo pa at napakarami pang problemang dapat bigyang pansin— kakulangan ng classroom, libro at guro at kung anu-ano pa. Kasabay ng pagpapatupad ng K-12 ay ang implementasyon ng UBD o Understanding by Backward Design sa mga public school. Ang UBD ay isang learning framework kung saan, ang guro ay nagsisimula muna sa isang klarong BIG IDEA kung ano ang makukuhang kagalingan at kaalaman ng bata, bago gumawa ng lesson plan. Napakaganda kung tutuusin, pero malungkot na hindi lahat ng guro ay nakapag-adjust sa ganitong sistema. May isang gurong nagsabi na pagkatapos ng lahat ng seminar at training na pinuntahan niya, mas pipiliin pa rin niya ang tradisyunal na pagtuturo, mas madali, at hindi komplikado. Sayang ang training, sayang ang panahon, sayang ang resources, lalo kung para naman sa ikauunlad ng sistema ng edukasyon ng bansa. Sayang.
***
May kilala akong pamilya na mala teleserye ang kwento. Ordinaryo ang buhay ng babae, nakapag-asawa siya ng medyo may kayang lalaki. Nang mamatay yung lalaki, inako ng isa sa mga kamag-anak nito ang pagpapaaral sa mga anak nila. Parehong nasa private school ang dalawang bata pero nawalan sila ng gana sa pag-aaral at di na nakatuntong ng college. Isang magandang pagkakataong nawalang parang bula. Sa isang kisampata, nag-iba ang takbo ng buhay nila. Sa ngayon, patuloy na nagsisikap ang dalawang anak para mabuhay at buhayin ang kani-kanilang pamilya. Marahil may iba pang personal na dahilan kung bakit di sila nakatapos, pero sayang ang panahon, sayang ang resources. Sayang.
***
What’s so good about life is that even if we missed opportunities, opportunities still come, depende na sa atin kung paano natin gagamitin ang mga pagkakataon para mapaunlad ang sarili at ang bayang ito. May isang international host na nagsabing ang mga cosmetics nila ay tina-try hindi sa hayop kung di sa “FILIPINO CHILDREN”. Ang sabi ng iba, hayaan na lang daw, echos lang naman at di ganoong ka-big time, mas marami pang higit na malalaking problemang dapat bigyang atensyon, pero pwede rin naman nating isiping opportunity ito para i-evaluate natin ang ating mga sarili bilang isang bansa. Ano nga bang klaseng mga Pilipinong bata ang pinalalaki natin at anong klase tayong mga Pilipinong magulang? Opportunity. Pagkakataon.
***
Kung sa palagay mong wala ng pag-asa, kapit lang,God is in control. Para sa mga suhesyon, kuru-kuro at iba pang kaisipan, you can reach me at elydia.reyes@gmail.com. Makinig din palagi sa 702 DZAS. Bisitahin ang http://www.febc.ph.

Advertisements

One thought on “Echos

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s