Paano Paliliparin Ang Inakay?


Ramdam kong namula ang pisngi ko pero hindi dahil sa kinilig ako sa magandang mga mata ng Koreanong kausap ko, pero dahil sa sinabi nyang (habang may pagkatamis-tamis na ngiti)

“from what I see, education in the Philippines is more of a business, unlike in Korea, the books are free… blah.. blah.. blah..”

Nainis ako at muntik ko na siyang sigawan na KUNG AYAW NIYA DITO SA PILIPINAS, PWEDE NA SIYANG UMALIS pero bigla akong napatingin sa kung saan, napaisip at pagkatapos naming mag-usap ng kung anu-ano tungkol sa Korea at sa pagiging ballerino niya, dumali na naman ang pagiging weirdo ko at nagmuni-muni. Bakit nga ba niya nasabing negosyo ang edukasyon sa Pilipinas? Dahil ba masyadong obvious kahit na sa isang foreigner na tulad niya na ang “quality education” ay mas-accessible lamang sa may mga kadatungan?

Well, hindi dapat tayong pumayag, ang Pilipinas, gaya ng ibang mga bansa ay may kakayahang magbigay ng quality education para sa lahat, hindi sa iilan, kundi sa lahat ng mga Pilipino. Ang edukasyon natin ay parang maihahalintulad sa isang inakay na nagpu

pumilit lumipad at maging ganap na isang ibon. Ang inakay na ito ay pilay… hirap na hirap… naghihingalo.Narito ang ilang mga paraan kung paano nating mapalilipad ang inakay sa mas lalong madaling panahon.

Dapat eh magkaroon tayo ng IBON mentality, pwedeng basahin ang nasa ibaba para lalo niyong maintindihan:

I-             Ipalaganap ang kultura ng pagbabasa.

Congratulations sa iyo kung tumuntong ka ng grade three na magaling ka ng magbasa. Dahil maraming mga batang malapit ng mag high school ang hindi marunong magbasa (yung nakakabasa pero di naman nila maintindihan ang binabasa).

Hindi mo kailangang masyadong gumastos para dito. Ito ang tatlong madaling paraan kung paano:

  1. Kung araw-araw eh bumibili ng dyaryo ang tatay mo lalo na yung mga broadsheet, ipunin mo at i-donate mo sa library ng isang public school. Bukod sa malalaman ng mga bata ang nangyayari sa bansa, mapaparami pa ang salitang ingles na malalaman nila.

2. Mahilig ka na rin lang mag-internet, bakit hindi ka gumawa ng compilation ng mga        kwentong pambata? Basta wag mo lang kalilimutang ilagay kung sino ang author, ipa-soft bind mo, tapos iwan mo rin sa library ng school.

3.   Kung masyadong marami ang oras mo, magvolunteer sa baranggay, o sa lugar niyo ng     storytelling sessions para sa mga batang maliliit. Aba, tiyak matutuwa ang baranggay captain niyo.

 

     B-        Bumili ng alkansya at lagyan ito ng label na “para sa alaga kong

     inakay.”

Ito ang medyo mahirap talaga, dahil alam kong medyo naghihigpit ka

rin ng sinturon. Kahit naman yata sino eh. Pero pwede na ring gawin. Wag ka na munang magyosi o tumoma (kung ginagawa mo to), mag register sa unlimited text at call, pumunta sa internet shop, kumain ng icecream o basta, iwasan mo munang gawin yung bagay na pwede mong pagkuhanan ng pondo, tapos, yung baryang matitipid mo, ihulog mo ngayon sa alkansya tapos sa susunod na pasukan, bumili ka ng mga school supplies, tapos alam mo na, idonate mo sa school o sa isang batang alam mong nangangailangan.

O-       Otosan (utusan) ang sariling makielam.

 

Magandang simula na ang pagbabasa ng mga article.ipagpatuloy mo na ng todo-todo ang pagiging pakielamera/pakielamera mo.Magmasid ka. Maaaring may kapitbahay ka, pinsan, churchmate, anak ng officemate, kapatid ng classmate mo, o basta, may isang bata diyanna nangangailangan ng tutor. Magvolunteer tutor ka. Kahit isang oras lang. Walang bayad. At makikita mong baka maging manager pa ang batang yan.

N-       Naising maging solusyon at hindi problema.

                         Ito ang pinakamalupit sa lahat. Dahil kung sa palagay mong may problema at wala kang ginagawa, ano pang silbi ng buhay mo? Ok. Medyo marahas na tanong, pero bakit kailangan mong maghintay na kumilos ang iba bago ka kumilos? Kapag ba sinabi kong ni isa sa mga nasulat ko sa taas eh hindi ko pa nagawa, mumurahin mo ba ako? Isusumpa at sasabihang pakitang tao? Eh paano kung sasabihin kong lahat eh nagawa ko na? Itataas mo ang kilay mo at di ka maniniwala?

Sige na, sakyan mo na rin ang pagiging weirdo ko. Masama bang isiping lilipad din ang isang inakay? Magiging IBON din ang inakay, basta kasama ka at kaagapay. Anong masasabi mo? Sige, ako naman ang makikinig sa yo. Para sa mga suhesyon, kuru-kuro at kung anu-ano pa, email me at elydia.reyes@gmail.com. Bisitahin din ang http://www.febc.ph  para sa mga inspirasyon. Pagpapala para sa yo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s