SWEET SAGA


Candy Crush 抵達 350關
Candy Crush 抵達 350關 (Photo credit: kenming_wang)

Kumain, matulog, mag-aral, magtrabaho, at maglaro, hindi ng patintero o tumbang preso, kung di ng latest game app sa tablet o cellphone, yan na yata ang lifestyle ng nakararaming mga Pilipino, ordinaryong tao man, nakasuot ng suit o kahit na yung mga tao sa Malacanang— at dahil ito ang madalas nating pagkaabalahan, minabuti ko na ring i-feature ang mga game app na to at tingnan na rin kung ano bang impact nito sa mas malaking hinaharap, sa galaxy, sa universe, at uumpisahan natin to sa Candy Crush.

***

Nag top ang app na Candy Crush Saga, sa “Ang Pinaka: Addictive Game Apps” last August 25 na episode ng show. Paano ba naman merong mahigit na pitong milyong aktibong user ang app na to sa loob lamang ng halos isang taon mula nang mai-launch noong April 2012, at kung paano natin ma-irerelate ito sa buhay eh ang siya nating susuriin, kaya kapit na, dahil “delicious” ang isang ito.

***

May tatlong magandang values ang Candy Crush —– Pakikisalamuha, Pakikibaka, at Pakikipagkapwa, na pawang mga sangkap kung gusto mong maging maunlad sa buhay.

***

Pakikisalamuha. Una kang maglalaro ng Candy Crush dahil sa curiosity. Ma-iintriga ka kung anong pinag-uusapan nilang sweet, delicious at sugar crush. Next time, kapag nakapaglaro ka na, makikisali ka na sa usapan ng mga friends mo kung paano nila nalampasan ang isang particular na level, at before you know it, kasama ka na nila. Ang laro mo ay hindi mo na lang laro, kung di laro ng mga friends mo. Hihingi at magbibigay ka ng ticket o kaya ng life from your friends para makapunta ka sa susunod na level. Nakikisalamuha ka na, magiging bahagi ka na ng Candy Crush Saga— kaisa, kasama, ka-Sugar Crush. Very much like life, tulad ng sa pork barrel ngayon— alam na naman natin noon pa na maaaring may corruption dito, pero di nabibigyang pansin, hanggang sa lumabas na ang kwento sa media at sa internet, nabigyan ng high light— at dahil marami na ang nakisalamuha, at siguro dahil sa pressure na rin, napasuko si Ms. N, at who knows, this will be the key to a bigger revelation—mas malaking isa ang mabibingwit.

***

Pakikibaka. Sa tuwing humihirap ang level at nadadagdagan ka ng chocolate na humaharang sa mga quests mo o kaya ng bomba, mas lalo kang hindi sumusuko. Mas lalo kang nakikibaka, nag-iisip ng strategy para makapunta sa susunod na level. Ganito rin tayo dapat sa buhay. Sa mga problemang dumarating, kapit lang, dahil kapag nalampasan mo, may mas better level kang pupuntahan. Kung iniintriga ka sa opisina o sa school, tingnan mo kung anong pwede mong gawin para maging maayos ang relationship mo with them, bigyan mo kaya ng matamis na candy? Delicious.

***

Pakikipagkapwa. Habang tumatagal kang naglalaro ng Candy Crush, ma-rerealize mo na you really cannot finish the race by yourself. You will always need someone to help you out. I am now in level 118 (Clap, Clap, Clap) but honestly, I had to ask help. May mga levels na ang mom ko ang naglaro, o kaya ang kapatid ko. Bukod don, malaki ang naitulong ng mga lives at tickets na binigay sa akin ng mga Facebook friends ko, kahit na busy sila, they cared to click that button and read my Candy Crush Request. Imagine, if we will apply this in REAL LIFE, anong ganda? Anong gandang makipagkapwa at tumulong sa kapwa, ipadamang hindi siya nag-iisa at may kasangga.

***

Pakikisalamuha. Pakikibaka. Pakikipagkapwa. Tatlong bagay na makatutulong para maging “Wonderful” ang buhay natin. Mga bagay na pwede nating matutuhan sa Candy Crush Saga, mga bagay na dapat nating i-aapply sa buhay.

***

Kung sa palagay mong wala ng pag-asa, kapit lang,God is in control. Para sa mga suhesyon, kuru-kuro at iba pang kaisipan, you can reach me at elydia.reyes@gmail.com. Makinig din palagi sa 702 DZAS. Bisitahin ang www.febc.ph.

Candy Crush

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s