Mighty Lola


Sort of violent, destructive and character unbecoming— I am not talking about the Zamboanga crisis or the Pork Barrel Scam, although both can be considered such. I am referring to one of the popular apps now, Angry Gran. In fact, it has become so popular that there’s Angry Gran 2, Angry Gran Run and Angry Toss all available for downloads.

***

Why on earth would a lola be running crazy and hitting people just so to raise funds and get hold of the weapon of her choice, this including a hammer worth $100, 000 and a sabre worth $999,999? Yan ang una kong reaksyon nang di sinasadyang makapaglaro ako one time. Pero when you come to think of it, this game means more than just having an angry granny running wild in the city, the game means survival and in a way mirrors how our society treats the elderly— gaya ng mga graphics sa laro—mga businessman na walang pakielam, mga kabataang naglalakad lang na parang walang nakikita, mga babaeng laging nakataas noo lang, walang say kung ano man ang nangyayari.

***

Sa Pilipinas na sinasabing closely knit ang mga pamilya ay di pa rin maitatago ang masasabing pagpapabaya sa kanila. Oo, meron na ngang mga senior citizen discounts at libreng sine sa ibang mga syudad, pero hindi sapat ang mga ito, lalo na kung mismong mga kamag-anak ng mga lolo at lola ang siyang nakalilimot na mag-aruga at kumalinga sa kanila.

***

Pauwi na ako galing trabaho at pasakay na sa tricycle nang isang matanda ang lumapit sa akin at nagmakaawang tulungan ko siya dahil kailangan niya ng pambili ng gamot. Aaminin ko, nagdalawang isip din ako, natakot na baka isang modus lang ang lahat, pero may kirot sa puso kaya minabuti kong samahan si Lola sa isang botika at bilhin ang mga gamot na kailangan niya. Iniwan na siya ng pamilya niya. Wala na siyang kasama. Pinaalis pa sa bahay na tinitirhan. Taos puso ang pagpapasalamat niya sa gamot, pero higit ano pa man, nagpasalamat siya dahil may nakinig sa kanya at nagbigay ng panahon. She was almost suicidal sabi niya, pero laking pasalamat ko sa Diyos na nagkita kami, at napagbago ko ang isip ni lola

. ***

Sa Angry Gran, may pension na pwedeng macollect ang karakter na pwede niyang idagdag sa savings nya. Maganda rin sana kung ganito ang sa ating bansa, pero dahil marami pa rin ang walang regular na trabaho, sa pagtanda nila ay di nila naeenjoy ang pension, dahil marahil, wala silang GSIS o kaya SSS contribution. Kulang ang medical service at iba pang mga social service, at kapag lagpas 60 ka na, wag ka ng umasang magkaroon pa ng trabaho, dahil kalimitan sa mga kompanya dito sa Pilipinas ay bulag sa abilidad na meron ang mga matatanda, mas gusto nila ang mga fresh graduate na malalakas, magaling sa technology, at mas madalas, mas madali nilang maloko.

***

Sa tuwing maglalaro tayo ng Angry Gran, sana alalahanin nating may mga lolo at lola sa paligid na nangangailangan ng tulong, kalinga, pagmamahal. Huwag nating gawing mahirap ang mundo para sa kanila at wag natin silang galitin gaya ng bida sa laro, dahil balig-baligtarin man ang mundo, ang mga lolo at lola pa rin natin ang nagsilbing ugat kung bakit naririto tayo ngayon. Sa halip na sa mga ghost NGOs mapunta ang pera ng bayan, eh sana sa mas higit na nangangailangan gaya ng mga nakatatanda.

***

Kung sa palagay mong wala ng pag-asa, kapit lang,God is in control. Para sa mga suhesyon, kuru-kuro at iba pang kaisipan, you can reach me at elydia.reyes@gmail.com. Mas dadalasan ko na ang pagsusulat. Promise. Makinig din palagi sa 702 DZAS. Bisitahin ang http://www.febc.ph.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s