Ako, Mali?!?


Ang tao ay patuloy na naghahanap ng kasagutan sa mga bagay na gumugulo sa kanyang isipan at mga penomenong nais niyang maunawaan ng lubos. Hindi nakapagtatakang napakaraming mga “ismo” at may ilang libong teorya ang nasusulat sa mga aklat kahit na hindi pa pang-agham ang mga ito. Nariyan ang mga kasabihan, salawikain, prinsipyo at mga batas ng ganito at ganyan. Ang nakalulungkot, minsan, nagagamit ang mga ito upang bigyang katarungan ang maling nagawa, masabi lamang na wala tayong kasalanan.

                                    ***

Ilang beses mo na kayng narinig ang linyang ito?, “ Sorry, tao lang. Nobody’s perfect kaya!” Sinabi na iyan ng kamag-aral mong nagkamali sa assignment, kapatid mong bumagsak sa exam, o kahit na ikaw, maging ako nung wala tayong naisagot sa tanong na “What is Logic?” Naging ekspresyon na ito ng karamihan. Marahil, ito ang ugat kung bakit mababa ang kalidad ng paggawa. Sa halip na ibigay ang buong kakayahan, sasabihing—“Pwede na yan, I’m not perfect.”                                          

                                                ***

“There’s no harm in trying”, depensa ng klasmeyt mo nung makita mo siyang naninigarilyo. Nagulat ka kasi  dati hindi niya ginagawa iyon. Pero dahil sa— Mind your own business thing, wala kang sinabi, iniwan mo siyang mag-isa. Wala kang pakielam dahil buhay niya iyon. Dapat sana, naglaan ka kahit na limang segundo lamang, pinaalalahanan siyang—“Baka magkasakit ka nyan, sige ka”. Kasi naman, kung kelan dapat magsalita, hindi ginagawa. Kapag may tanong ang prof, ayaw magtaas ng kamay, tapos kapag may sumagot , sasabihing— “sabi ko na!.”                                  

***

“Better late than never”, ang drama mo nung ma-late ka. Dapat ka talaga nilang pasalamatan dahil kahit huli ka, dumating ka. Feeling star ka kasi. Bakit ba palaging dapat ma-late? Pwede namang kahit isang minuto bago magsimula dumating ka. Iyan ang problema natin, kaya mabagal ang pag-unlad. Laging may cause of delay. Sa seminars, may speakers na huling dumating, paimportante. Sa halip na magsimula ang programa ng alas tres, alas singko na hindi pa rin magsisimula. Sayang ang oras! Ok lang ma-late, huwag lang gawing habitual! Ang traffic, bahagi na iyan ng Pilipinas, hindi na dapat pang ginagamit na excuse.

***

Aminin nating may pagkakataong pilit tayong humahanap ng lusot sa maling nagagawa. Mahirap naman talagang harapin ang katotohanan. Pero kahit na anong gawin natin, kailangang matuto tayo. Ang multo ng kahapon ay patuloy kang hahabulin hanggat hindi mo hinaharap at nilalabanan. Walang masama sa pagkakamali, natural lamang yan. Ang mahalaga, matuto at piliting bumangon sa tulong ng Panginoon.

 

*First published in 2006.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s