Asitg ka ba sa Filipino?!


My ask lng me sau,

oo o hindi lng sagot.

Ndi k ba naliligo?

Tandaan,

oo o hindi lng sagot. 🙂

 

 

            Makailang beses mo na kayang natanggap ang text message na nasa itaas? Ako, mahigit sampu na. Naging katatawanan sa iba, at palaisipan naman sa ilan. Kahit ako’y di nakatakas sa pag-iisip. Napakamot-ulo ako sa kung ano talaga ang tamang sagot. Paano ba naman, wala kang magiging lusot dahil kahit na ano pa ang isagot mo, lalabas na hindi ka naliligo! Kahit ba sabihing sa loob ng isang linggo ay tatlong beses ka lang naliligo, eh naliligo ka pa rin di ba? =)

 

            Ang nasabing tanong ay isang halimbawa ng  pahayag na tama ang balarila (grammar) ngunit mali ang sayusay. (rhetoric) Ang balarila ay pag-aaral ng mga salita at ng kanilang kaugnayan sa loob ng pangungusap. Sa kabilang banda, ang sayusay ay maayos na pagpili ng  naaangkop na salita sa pagbuo ng pahayag upang maunawaan at kalugdan ng taong bumabasa  o nakikinig.(                ) Sa makatuwid, hindi lahat ng salita ay magagamit sa isang pahayag. Kailangang alamin kung ano ba talaga ang gusto mong iparating. Ang mga salita ay may binibagayan, tulad din ng pakikibagay natin sa tao. Masasabing may kawastuang pambalarila ang text message na nabanngit ngunit sablay sa kawastuang pansayusay. Ginawa ang tanong para makapang-asar lamang o kaya’y makapagpatawa.

 

            Marami pang mga pahayag na nakasanayan na nating gamitin sa pang-araw-araw, na kung pag-aaralan, wasto ang balarila ngunit mali ang sayusay. Nariyan ang “paki ano mo nga ang ano” ( ano ang gagawin sa ano at ano yung tinutukoy na ano? Masmagandang punan ng wastong salita ang pahayag tulad ng “paki kuha mo nga ang lapis” o kaya’y “paki lagay sa mesa ang pinggan” para higit kang maunawaan ng taong kausap mo.), “ang pangit naman ng luto mo” ( hindi maaring maging pangit ang isang luto dahil hindi naman kagandahan ng pagkain ang binibigyang pansin kundi ang kasarapan nito. Maari mong sabihing— “ ang alat naman, ang pait, ang tabang atbp.”  ), “aakyat lang ako sa itaas” ( Saan ka pa ba aakyat?, sa ibaba? ), “Andyan na  ako, hintay  lang” ( Nasaan ka bang talaga? Sabihin mo na ang totoo, nasa Moonwalk ka pa lang), “Malapit lang” ( Gaano kalapit ang Zapote sa Times Gate?). Tssk…Tssk

 

O paano ba ‘yan, lampas na sa 300 na salita ang akdang ito at kailangan ko ng putulin. Huwag kayong mag-alala, panigurado, may part 3 pa ito, kahit na part 4 pa kung gusto niyo. Hanggang sa muli! Nga pala, pahabol lang, ang makasasagot ng tama, may premyong isang supot ng candy, isulat ang inyong sagot sa kairasong papel…

“Hindi ka ba naliligo? Oo o hindi lang ang sagot”.

 

 

*First published in 2006.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s