Ang Pakikipagsapalaran ni Ting Kuting


Si Ting ay isang matabang kuting. Kahit na hindi sila mayaman, at walang sariling bahay, hindi siya nagkukulang sa pagkain. Mahal na mahal siya ng Inang si Nanay Muning. Ang lahat ng gusto ni Ting ay kanyang ibinibigay. Siya ang humahabol sa mga masasarap na daga at naghahanap ng malulutong na tinik. Ngunit may isang ugali si Ting na talagang hindi maganda. Matigas ang ulo ni Ting. Lahat ng gusto niyang gawin ay kanyang ginagawa kahit hindi payag ang Inang pusa.

Ngiyaw.. gusto kong makipaglaro kina Mimiw at Ding. Ang paangil na ngiyaw ni Ting. Pero Ting, mukhang masama ang panahon, anumang oras ay maaaring umulan. Baka ka magkasakit, mahinang ngiyaw ni Nanay Muning.
A basta, gusto kong maglaro! Hinihintay na ako ng mga kaibigan ko… ngiyaw!

Mabilis ang pagtakbo ng matabang kuting. Hindi na siya lumingon pa. dali-dali siyang nagpunta sa may basurahan ng Cadena de Amor at doon ay naghintay siya sa mga kaibigang Kuting.

Ngiyaw, bakit wala pa rito sina Ding at Muning? Ngiyaw, ngiyaw. Nakakainis ang mga iyon.

Mahigit isang oras nang naghihintay si Ting subalit wala pa rin ni anino ng mga kalaro. Maya-maya pa’y pumatak ang malakas na ulan. Dali-daling sumilong si Ting sa puno ng mangga ni Aling Ising, ang masungit na may ari ng pinakamalaking bahay sa kanilang lugar. Umihip ang malakas na hangin. Sa sobrang lakas nito’ y nagbagsakan ang maliliit na mangga.

Ngiyaaaw! Aray ko po. Ang sakiiiiit! Bulalas ni Ting.

Sa lakas ng panaghoy ni Ting, nagulat niya ang nagluluto ng sopas na si Aling Ising. Kumuha ng mainit na tubig ang matanda at buong lakas na ibinuhos iyon sa matabang kuting.

Eto ang mainit na tubig! Hahaha. Ewan ko lang kung bumalik ka pa. perwisyo kayong mga pusa!

Mabilis ang pag-iwas na ginawa ni Ting. Ngunit sa kasamaang palad, nahagip pa rin ang kanyang buntot. Mabuti at daplis lamang kaya’t hindi siya ganoong nasaktan.

Ngiyaw! Muntik na ako roon ha. Ang sungit pala talaga ng matandang iyon. Kaya pala sa tuwing uuwi si Nanay Muning ay may sugat siya at nababawasan ang kanyang mga balahibo… marahil ay laging nabubuhusan ng tubig na maiinit si nanay. Ang sama kong kuting. Hu… hu… hu…

Unti-unting pumatak ang mga luha ni Ting. Hindi niya na naramdaman pa ang ulan o ang ginaw na dala ng hangin. Siya’y dahan-dahang naglakad sa gitna ng daan. Alam niya nga ngayong nagkamali siya. Naging napakatigas ng kanyang ulo. Nais niyang yakapin ang ina ng buong higpit upang humingi ng tawad

Miyaw.. miyaw… miyaaw…

Pamilyar ang ngiyaw na narinig ni Ting. Iisa lamang ang pusa na may ganoong tinig. At hindi siya maaaring magkamali.

Sa may kanto ng Cadena de Amor kung saan naroroon ang basurahang laruan nina Ting at ng kanyang mga kaibigan, nag-aabang sa gitna ng malakas na ulan ang kanyang Nanay Muning.

Lalong pumatak ang mga luha sa mata ni Ting. Binilisan niyang tumakbo upang yakapin ang ina.

Patawad po nanay. Mula ngayo’y hindi na magiging matigas ang ulo ko.

Miyaww. Nauunawaan kita anak. salamat sa Diyos at natuto ka na..

Magkasabay na naglakad pauwi ang mag-ina. Baon ni Ting ang aral na kanyang nakuha.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s