#Day 134: Challenge Accepted (August 31, 2015, Monday)


As we celebrate National Heroes Day in the Philippines, I took the challenge given by my little hero of my life, my brother, who has encouraged me to join a comedy writing contest. I was hesitant at first but I told myself, maybe I can give it a try. And who knows, if I get the spot, then maybe my brother is right, I have a future in comedy writing.

So here it goes, sharing to you the entry I wrote for the contest, with my fingers crossed that I’d receive the positive result I and my brother are hoping for.

And yeah, please let me know of your thoughts. Hope this will lighten your day and remind you to look 360 Degrees before panicking or thinking of something hopeless.

 

***

What an Epic Day

 

I would always rush to go home on a Saturday. Bukod sa alam kong may langhap sarap na chicken joy na maghihintay sa akin pag-uwi at may tunaw na Sundae eh alam kong may pasabog na naman ang Aldub.

 

Fan na talaga ako noon pa man ni Alden Richards pero mas nagustuhan ko siya dahil sa kalyeserye. Funny nga kasi in the office, I am the only one who is excited to go home. Well, ganun talaga eh. Iba ang epekto ng Eat Bulaga sa akin. Kung baga sa pagkain, I can’t live without Eat Bulaga, nakalakihan na at mahirap ng baguhin, wala namang masama kasi naging parte na sina Bossing ng buhay ko, lalo na sina Jose at Wally at ang Juan for All.

 

Anyway, gaya nga ng sinabi ko, tuwing Sabado, kahit na marami pang dapat tapusin over the weekend eh talagang minamadali ko ang mga bagay-bagay. Kasi ayokong mamiss ang kung anong pwedeng mangyari sa kalyeserye kahit pa sabihing pwede kong makita sa Youtube or sa Facebook, iba pa rin kapag actual kang tumatawa kasabay ang nanay mo at ang kapatid mo, yung hahampasin niyo yung sahig tapos mawawalan ng mata. Pero ewan ba, tuwing Sabado rin, doon nagkakaroon ng mga patung-patong na gagawin. Yung hindi ka pa tapos sa isa, darating yung isa pa. Di naman sa nagrereklamo sa gawain, pero paano na ang Aldub di ba?

 

May isang Sabado na di ko talaga malilimutan. Straight from watching Walang Tulugan with the Master Showman, at medyo masama pa pakiramdam ko, eh nagreport pa rin ako sa office. Pinilit kong gawin ang lahat ng mga “deliverables” ko at sa awa ng Diyos eh natapos naman, yun nga lang, may one last thing akong dapat tapusin at kailangan kong pumunta ng 5th floor ng building.

 

Mag-isa, nahihilo at medyo nagugutom na dahil alas dose pasado na, excited umuwi at parang sinisilaban ang puwit, I used the elevator at naghintay sa pagdala nito sa akin sa pinakamataas ng palapag ng building.

Ipinikit ko ang aking mga mata, huminga ng malalim at naghintay sa paggalaw ng kahon.

 

Isa

Dalawa

Tatlo

Apat

Lima

Anim

Pito

Walo

Siyam

Sampu

 

Sampung segundo na akong nakapikit pero wala akong naramdamang gumagalaw ang elevator. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Napatingin ako sa paligid at wala naman akong ibang nakita kung di ang reflection ko sa mirror-kinakabahan, natatakot. Tumingin ako sa taas, CCTV lang ang nakita ko. Kinapa ko ang bulsa ko pero sa pagmamadali ko, I both left my personal cellphone at office phone sa desk ko.

 

Alam kong stuck up na ako so I surrendered everything to God. Sabi ko, Siya na bahala sakin. Lalo’t naramdaman kong mas lalong nagsikip ang pantalon ko at di ako makahinga.

 

Muli kong ginala ang mga mata ko at tumingin kung ano pa ang pwede kong gawin. My eyes stopped at the elevator buttons and right before my eyes, para akong baliw na tumawa at pinindot ang 5th floor. Nalimutan ko lang palang pindutin.

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s