Paano Malaman kung ang Kandidato mo eh Dapat Maging Pangulo atPangalawang Pangulo sa 2016


Kanina may napanood akong commercial ng isang presidentiable at aaminin ko, binihag nito ang puso ko. Kung dati, naiinis ako sa dati niyang mga TVC kasi they capitalized on the person’s skin color and made him look like an underdog, ngayon eh pinakita yung mga magagandang ginawa niya sa mga kababayan niya, tulad ng libreng pag-aaral mula preschool hanggang college. Kung titingnan, maganda nga ang nagawa niya, i-minus na lang natin yung balita about sa corruption, gwapong gwapo na siya at pwedeng maging presidente.

Naisip ko, ano nga ba ang dapat meron ang isang tao para pamunuan ang pitunglibo’t pitong isla ng bansa? Ang mahigit siyamnapung milyong Pilipino?
Hindi rin ako bihasa sa mga ganitong bagay pero ito ang limang puntos na dapat ay bigyan nating pansin.
Una, ang track record. Kung ang kandidato mo ay senador an gustong maging pangulo, i-check mo yung mga batas na naipasa niya o baka naman puro daldal lang siya sa senado at papogi, kapag ganun, wag na siyang bigyang attention. Kung dati namang nasa executive position ang kandidato mo, (mayor, vice mayor, gobernador) i-review mo kung anong nangyari sa lugar na pinamumunuan niya dati. Umunlad naman ba yung lugar na yun o usad pagong pa rin?

Pangalawa sa track record eh ang pagiging TEAM player niya. Siya ba yung tipo ng tao na pwedeng makatrabaho ang kahit na sino? Yung hindi balimbing? Yung hindi palipat-lipat ng partido? Yung pag mali yung partido niya, may sariling disposisyon at kaya niyang dalhin ang mga kasama niya sa tamang desisyon. Kung ang kandidato mo eh di marunong makisama (syempre hindi yung tipong makisama na papuntang mali) at gusto lang lagi eh ang sarili niya ang susundin niya, mag-isip ka na. Okay yung may bilib sa sarili, pero kapag nasobrahan ng laki ng ulo, nakakabaliw yun. Masisilaw siya sa kapangyarihan.
Pangatlo, dapat yung kandidato mo, yung may TEACHABLE heart. Baguhan man o luma na sa politika, dapat yung puso ng kandidato, marunong makinig, mag-adjust at willing matuto ng mga bagong bagay. Yung risk na gagawin niya para sa bansa, yung calculated risk. Di basta bastasusubo sa laban. May bala kapag may gera.
Pang-apat eh dapat may TRANSPARENCY, yung walang tinatago at yung report ng mga finances niya tama. Isa pa, hindi lang transparent in terms of the country’s budget, pero yung tipong transparent siya sa kung anong plano niya para sa bansa. Alam niyo ba na ang ASEAN Integration, noon pa man, plano na yan ng ASEAN countries? Mga 10 years ago pa? Pero kelan lang pumutok yan? 2 or 3 years ago kasi dahil sa implementation ng K-12. Pero sana kung noon pa man, sinabi na sa ating, ganito ang plano para sa hinaharap, di mas madali tayong makakasunod, makakapagplano.
Panglima, at pinakaimportante sa lahat, dapat ang kandidato mo eh yung may TRUST kay God. Yung hindi sa sarili niya umaasa. Pinagdarasal niya ang bawat desisyon niya at humihingi siya nga gabay sa DIyos. Ang Diyos, may magandang plano sa bawat isa, sa bawat Pilipino.
I-review nga ulit natin ang limang T na dapat meron ang kandidato mo?
Una, TRACK RECORD.

Pangalawa, Team player.

Pangatlo, Teachability.

Pang-apat, Transparency

At panglima, Trust kay God.
Ngayon, kumuha ka ng papel at ilista mo ang mga kandidato at i-evaluate sila base sa mga nasabi sa taas. Ilang pop points kaya meron sila at ilang bokya meron? Hindi ko na inedit pa tong tips ko kasi gusto kong maging natural at tuloy-tuloy lang. Kaya pagpasensyahan mo na kung may typo error. Basta sana gets niyo ang sinasabi ko? At kapag feel mong tama to, ishare mo na rin sa iba para sa mas maganda, mas masagana at mas palaban na PILIPINAS. -ERR

Advertisements

3 thoughts on “Paano Malaman kung ang Kandidato mo eh Dapat Maging Pangulo atPangalawang Pangulo sa 2016

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s